Thursday, May 6, 2010
Ang Aming Taos-pusong Pasasalamat!
Gaya ng malimit naming bigkasin sa bawat pagtatapos ng Camp Journey at sa iba pang mga kampo para sa mga batang espesyal.... "isa na namang kasaysayan ang magwawakas .... at muling sisibol." Ito ay tunay na tunay. Ang kasaysayang umukit sa puso ng lahat ng nakilahok at nakasaksi, sa ayaw man natin at sa hindi, ay magwawakas sa loob ng 10 araw...
Para sa Camp Journey 2010 na ginanap sa Paete, Laguna; isang madamdaming pagwawakas ang naganap noong ika-17 ng Abril, 2010. Sa loob ng 10 araw naming pamamalig doon, nakita namin ang pagkamulat ng kamalayan ng bawat mamam
ayan ng Paete.
Ang lahat ng nakaalam ng kaganapang ito ay nakilahok... bata man o matanda, mayaman o mahirap, mga guro, mga magulang, mga kamag-anak at kapitbahay, local na pamahalaan, at mga batang espesyal na tunay nabigyan ng pagkakataong maipakita ang kanilang angking-talino ay tunay na di naging madamot sa kanilang panahon, pananalapi, at talento. Marami pong salamat sa inyong lahat. Hindi magiging matagumpay ang araw na ito kung wala kayong lahat!
Ngunit, ang tunay na tagumpay na maituturing ay kung ang pagwawakas ng Camp Journey 2010 ay magbigay ng bagong sigla at tuluyang sumibol upang ipagpatuloy ang mga gawaing nasimulan sa lokal na pamayanan. Ito ay ang tunay na katuparan ng layunin ng aming gawain!
Muli, sa aming mga volunteers at local supporters, mga donors and sponsors, sa lahat na naniniwala sa aming gawain, ang aming taos-pusong pasasalamat!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)